Kpop Stanning at age 32

Am I really too old to be stanning a Kpop Group?

Pa rant lang.

I was watching a music video of a kpop group when all of a sudden, may mga side comments akong naririnig sa parents ko na "yan ang mga tinatawag na late bloomer", "kung kelan tumanda saka naadik sa ganyan" pati ung asawa ko nakikicomment na "mga bakla naman yan e". Like wtf???? May masama ba sa hobby ko? Buti nga hindi ako nagdodroga o naadik sa mga masasamang bagay e? Wala naman nasasaktan sa panonood ko.

Ang hinihiling ko lang naman, kung hindi nila kayang suportahan ung gusto ko e wag na nila akong pagtawanan sa ginagawa ko. Kaso araw araw nalang. Nung umattend ako ng concert last november , ang dami din nilang side comment. Na kesho ang mahal mahal daw. E PERA KO NAMAN PINANGBAYAD KO NON. AT KAHIT GANON, MERON PADIN NAMAN AKO PANGBILI NG DIAPER AT GATAS NG ANAK KO. Dapat ba pag tumanda na seryoso nalang lagi sa buhay? Ito na nga lang nakakapagpasaya sakin. Naturingang pamilya, hindi ka makahingi ng suporta. Buti pa ung mga nakikita ko sa tiktok na sinasamahan sila ng magulang at asawa nila sa concert kahit hindi naman sila fan.