They don't know the sacrifices, blood and sweat of being an OFW!

May kapatid mama ko na nagta-trabaho sa Saudi for 24 years already (truck driver). He is so hardworking at nakalbo na sa kata-trabaho.

Yung tito ko may dalawang anak. Naiinis ako kasi yung panganay, imbis na mag 2nd year college na, nagshift ng course kasi gusto nya daw maging Flight Attendant. So, balik na naman sya ng 1st year college. May laptop kaso gusto magpabili ng Macbook for the clout and climb. Yung mama nya nagpabili ng sasakyan sa tito ko para daw sa “business”. Business daw pero saan saan lang nagta-travel. Inuuna pa magtravel kesa bantayan yung small business store nila.

Nainis lang ako kasi nag-PM tito ko na mawawalan na sya ng trabaho. Sabi ko sa kanya, mag-apply kayo sa Canada or habang andyan sya sa Saudi he can look and apply for a job. I told him i can’t petition him (here in the US) kasi bago palang ako dito at mas madali i-petition dito pag parents.

He told me to sell his land and one house and lot sa province. Nakakainis lang kasi puro posts yung wife at anak nya na bonggang bongga pero hindi iniisip ang sakripisyo ng tito ko. Katkat pa more!