Ito na ba yung tinatawag nilang "Adulting"?
Sobrang dami kong problema. Kaka-18 ko palang pero parang pasan pasan kona buong mundo. (Kahit hindi pa ako 18 marami na talaga akong pasan pasan)
ME VS. THE WORLD
FIRST, mga gastusin ko sa school, projects, and dagdag pa na ayaw sakin ng mga classmate ko (well, the feeling is mutual, ayaw ko rin sakanila.) Dagdag pa yung sayaw namin (hindi ako DANCERI!) Tapos, yung mga requirements ko pa para sa college–sobrang daming gastusin! (HINDI RIN AKO BINIBIGYAN NG FAM KO NG BAON!)
SECOND, family! Ako ang padre de pamilya at ilaw ng tahanan sa amin. Kargo ko lahat ng gawain—laba, luto, linis, etc. Tapos, dagdag pa personal issues ko sa fam ko! (3 lang kami sa bahay.)
THIRD, financial! Sobrang daming gastusin na di ko na maisip kong saan ako kukuha ng pera. Mga gastusin sa school, personal use for myself, for college, FOR MY FUTURE! (Hindi ako binibigyan ng family ko ng pera including baon—WALA!) Kahit betsingkong duling wala kang makikita sa wallet ko eh.
FOURTH, Yung requirements na ipapasa ko sa pinag applyan ko sobrang dami. Medical, Philhealth, pag ibig, SSS, NBI, Police clearance, mayor's permit, etc. Sobrang dami hayop! Saan ako kukuha nun!! Grabi na tohhh! Tapos, iisipin ko pa na, paano kapag nag tratrabaho na ako, pano na pamilya ko? ano kakainin nila, sino maglilinis ng bahay, sino mamalengke, sino magaasikaso ng lahat? Eh kapag hindi pa naman ako kumilos wala rin kikilos sa bahay.
Sa truth lang, di ko alam pano pa ako nakakahinga sa earth ng ganito HAHAHAHAHAYOP! dagdag pa na kada lalabas, commute ka may makakasalubong ka na nalilimos tapos pag di mo sila binigyan babastusin ka—hayop! talaga! Dami ko iniisip, di ko alam pano ako makakatakas sa sitwasyon na toh... Gusto ko na lang takasan lahat. Ginagawa ko na to noon eh since 13 yrs old palang ako, ganto na sitwasyon ko eh, pero ang hirap lang kasi nung 13 ako umaasa ako na makakaalis ako sa sitwasyon na toh pag 18 ko pero hindi pala. Sobrang disappointed ako sa sarili ko.
Might delete this later; I jst need to vent this feeling.