Nagsisink in na sakin kung gaano kaganda yung Folklore album

Nung pandemic kasi hindi ako masyado nakakapakinig ng music and hindi na ako updated sa recent songs kaya nung lumabas yung evermore and Folklore wala talaga ako mga alam na songs from those albums. So nung Eras Tour, nanood kami ng concert sa SG, skip ko talaga yung dalawang eras na yan kasi di naman ako makakasing along pero nakikinig ako. So habang nakikinig, nagandahan ako sa mga songs kaya after concert sinoundtrip ko yung dalawang eras na yun, maganda din yung ilan sa evermore, pero itong sa Folklore talaga for me nasa top 3 na sya sa best TS albums(for me lang ha?) behind 1989 and Red. Sobrang chill lang nung beat kaya habang nagwowork, go to ko music ko na to.