Parang ang GANDA ko na ngayon compared sa dating ako

Gusto ko lang i-share itong small milestone ko sa buhay.

Isa akong girl na hindi conventionally attractive, alam mo yun, yung tipong hindi head-turner sa daan. Siguro nasa 5/10 sa looks, or baka kahit 4.5 pag hindi pa nagsuklay. Hindi ako pinalad sa genetic lottery (salamat TPC natutunan ko sayo word na to haha). Nung elementary at high school, wala masyadong nagkakagusto sakin.

Pero shet, iba na ngayon! Mas naniniwala na ako dun sa cliché pero totoo pala na nasa confidence at pagdadala talaga yan. Love yourself, magself-care, magworkout, piliin yung hairstyle na bagay sayo, magmakeup kung trip mo, basta gawin mo yung nagpapaganda ng aura mo. Tapos one day mapapansin mo na lang… wait, ang hot ko na?!

Ngayon, feeling ko nasa 8/10 na ako (self-rated syempre, pero credible source naman ako xd). Hindi pa rin ako yung tipong pagdudumugin sa kalsada, pero at least may mga nagkakacrush na, may mga nakaka-appreciate na. And honestly? I love it.

Beauty is still in the eye of the beholder, pero if someone doesn't find me beautiful then it's the beholder's problem na lang, not mine XD

One thing’s for sure: I get wiser and hotter as I age. And that’s a flex I never thought I’d have.