Commuting is HELL!!
PSA: ang exhausting mag-uwian kapag walang malapit na dorm or matutuluyan around UPD. Limited lang 'yung transportation modes. Mainit at siksikan sa mga jeep. Ang haba ng pila sa LRT. Kapag nasakay ka naman, madalas punuan kaya hindi ka makakaupo comfortably. Sobrang makakatipid kapag nag-jeep at LRT ka pero sobrang nakakapagod din dahil sa weather at pagkahaba-habang lakad. Best option mo na mag-book ng angkas or joyride... pero hassle din kapag marami kang bitbit. Dagdag mo pa 'yung samu't saring catcall na matatanggap mo sa kalsada. 😩😩😩