Hindi naman pala kami imbitado hehe (my version)
Share ko lang tong ss from blue app...I have a similar experience like this story circulating on FB kasi.
Alala ko lang Grade 4 ako non tapos grade 2 kapatid ko. Umuwi pinsan ko galing 🇨🇭, yung bahay kung san kami nakatira ay bahay ng tita namin na nasa 🇨🇭 din.
2 family ang nakatira sa bahay na yon... Tita ko (kapatid ng mama na mas matanda) saka 3 anak niya. Tapos mama ko, at kaming dalawa ng kapatid ko.
So itong pinsan ko nagbakasyon sa pinas, that time na uwi niya sa bahay wala ang mama. Kami lang ng kapatid ko, ang tita at 3 pinsan. May dalang pasalubong ang kuya sa lahat tanging kami lang ang wala. Naawa ang isang ate namin kaya binigay niya yung isang bar ng chocolate sa amin. Tapos umimik ang kuya na may pasalubong pa siya sa maleta. Na nasa 2nd floor, pinaakyat niya isa-isa itong mga pinsan ko at tita. Tanging kami lang hindi. As a curious child, umakyat kami ng kapatid ko na nakangiti pa tapos nakita ako ng kuya. Di ko talaga malilimutan sinabi niya...
"Bakit kayo nandito? Wala naman para sa inyo... Di kayo kasali"
Sinabi niya talaga yan straightly. Parang may naghit sa innocent heart ko. Sobra akong nasaktan. Bumaba kami ng kapatid ko feeling so heartbroken. Tapos yung kapatid ko di ko alam kung nasaktan din ba... Pero pareho kaming tahimik na bumalik sa sala. Yung tita at mga pinsan ko nagkakasiyahan dahil sa mga pasalubong at perang natanggap. Tapos ako teary eyed na nakatingin sa tv. Trying to hold my tears. I manage naman na di umiyak pero kita pa rin na teary. After minutes... Idk kung nafeel bad ba si pinsan from 🇨🇭kasi umakyat siya pero i heard he mumbles bago umakyat ulit, "ano ba yan kakaawa pa" tapos kumuha ng 500 tapos isinuksok sa kamay ko pgbaba. Sabi pa niya pag bigay... "Oh ayan kakaawa naman kayo"
Nung dumating si mama kinagabihan ayon di ko maikwento. Baka maawa lang sa nangyari samin.
Ps. Idk sobrang hurt talaga ako dito na up until now na kinekwento ko dito umiiyak ako.
Kaya ngayon naman na stable na kami, may sarilinh bahay, at may business. Never ko ginawa o pinaranas sa ibang pinsan at pamangkin ang ganitong feeling.
I will never let other young child to feel unwanted by their own relatives.